top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Rider pisak sa trak

  • Gina Pleñago
  • Nov 19, 2019
  • 1 min read

Photo: Eric Jayson Drew

Patay ang 58-anyos na rider nang maipit ng rumaragasang trak makaraang masira umano ang makina sa Pasay City, kamakalawa.

Namatay noon din si Joaquin Bolanos, vendor, ng Bgy. 201 dahil sa pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo.

Nasa kustodiya na ng Pasay City Police ang suspek na si Wilmar Dalugdog, 25, ng Building 29 Extension Temporary Housing, Vitas Tondo, Manila at driver ng Isuzu truck na may body markings “LEONEL waste management” na may plakang ICL 4153.

Base sa ulat, alas-7:15 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa kahabaan ng West Service Road, Bgy. 201 Zone 20 sa Pasay City.

Ayon sa report ni MSSgt. Eulalio Corpuz, binabaybay ng trak ang West Service Road galing hilagang direksiyon patungong southbound at pagsapit sa lugar, bigla na lamang umanong nasira ang makina ng sasakyan sanhi ng pagkakaararo nito sa anim na nakaparadang sasakyan sa kanang bahagi ng kalsada hanggang sa mabangga at maipit sa trak ang nakamotorsiklong si Bolanos dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng Police Community Precinct (PCP-10) na ikinahuli ng driver na si Dalugdog.

Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to properties.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page