top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pang-aabuso sa mga lalaki, hindi na joke, aksiyunan na!

Editoryal
Nov 19, 2019
1 min read

Sa pinakahuling pag-aaral, aabot sa 24 porsiyento ng mga lalaki ang nakararanas ng domestic violence sa buong mundo.

Maging sa Pilipinas, dumarami na rin ang mga battered husband — madalas ay pisikal at emosyunal. May iba namang nakararanas ng pangangaliwa.

Tumingin lang tayo sa social media, marami na tayong makikitang aktuwal na pang-aabuso.

At para tugunan ang problemang ito, inihihirit na maamyendahan ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 upang mabigyan din ng proteksiyon ang kalalakihan na inaabuso sa isang relasyon.

Sapat na umanong basehan ang pagdami ng mga lalaking kliyente na nagpapasaklolo sa mga abogado. Ibig sabihin, hindi na kayang pag-usapan kahit pa sa barangay.

Bagama’t, puwede naman silang magreklamo batay sa ating Revised Penal Code sa pamamagitan ng kasong slight physical injury at grave physical

injury, iba pa rin kung may espesyal na batas para sa kanila.

Sa ilalim nito, maaaring magkaroon din ng mga programa kung paano masosolb ang problema dahil baka hindi lang ito para sa kanilang mag-asawa kundi apektado rin ang kanilang anak.

Well, ito ang tunay na mukha ng pang-aabuso. Walang pinipiling kasarian.

Bagama’t, likas sa mga lalaki ang pagiging malakas, dumarating din sa punto na sila ay pinanghihinaan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page