Mindanao Sports Peace Caravan, umarangkada

Photo: Mindanaodailymirror
Pormal nang binuksan ang Mindanao Sports for Peace Caravan na ang layunin ay ipalaganap ang katahimikan sa Mindanao lalong lalo na sa Bayan ng Cotabato sa isang simpleng programa na ginanap kahapon sa Cotabato City States Polytechnic University (CCSPU) sa pangunguna ng Philippine Sports Commission at Philippine Sports Institute kahapon.
Naniniwala ang PSC at PSI na ang sports ang siyang magsisilbing tulay para sa kapayapaan dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na, “The language of sports is the language of peace”.
Uminog ang programa sa paglulunsad ng Ate/Kuya Leadership Training program na nilahukan ng 50 volunteers na 4th year MAPEH students ng CCSPU na siyang tutulong sa PSC at PSI sa gagawing mga sports activities na lalahukan ng mga mahigit 500 kabataan.
Naging panauhing pandangal ng programa si Prof. Ed Fernadez, PSC Mindanao Head, Marlon Malbog, PSI Deputy Head, at iba pang sports officials.
Nagpapasalamat ang mga taga-Cotabato dahil sa ginawang effort ni PSC Chairman William Ramirez upang dalhin ang sports sa kanilang bayan para malalim na mapalawig ang pagpapalaganap ng kapayapaan.
Pinuri naman ni PSC official Judith Laygo ang pamunuan ng CCSPU sa mainit na pagtanggap nito sa kanilang ginagawang programa. Ayon sa ulat, kilala ang bayan ng Cotabato na isa sa sentro ng kaguluhan sa Mindanao.
Sinabi ng PSC at PSI na mismong si Armed Forces of the Philippine official na si Col. Taharudin Ampatuan ang siyang humiling at isa sa nag-organize ng event bilang bahagi ng peace process para tuluyan nang matuldukan ang kaguluhan sa Cotabato.





Comments