top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Mangungupahan kuno, magnanakaw pala, cellphone, laptop at alahas ang target

  • Jun R. Guillermo
  • Nov 19, 2019
  • 2 min read

Sa panahon ngayon na sobrang tindi ng trapik sa mga pangunahing lansangan, partikular sa EDSA, napag-alaman ng inyong lingkod na may mga ka-BULGAR tayong napagdesisyunan nang mangupahan na lang ng kuwarto sa lugar na mas malapit sa kanilang eskuwelahan o opisina para lang hindi umano sila maperhuwisyo ng sobrang trapik sa lungsod at maiwasan nilang ma-late sa kani-kanyang trabaho.

Heto ngayon ang masaklap, may (mga) lalaking suspek na nagpapanggap na uupa ng kuwarto bitbit pa ang kanilang mga pekeng dokumento tulad ng NBI clearance, barangay clearance at mga IDs para lamang mapaniwala ang target na may-ari ng bahay na paupahan.

Kapag nagpositibo sa kanyang bahay na papasukin, magtataka ka kasi ang suspek na ito ay naka-jacket at nakasumbrero ng itim, nasa 5’6" ang taas, katamtaman ang pangangatawan at naka-shades din ng itim. Kumbaga, balot na balot ang pagkakakilanlan niya na may kasabwat na taxi na naghihintay sa hindi kalayuan.

Mga ka-BULGAR, maging alerto kayo at makiramdam dahil kapag pinapasok ninyo ito sa bahay at nakapagmanman, lilibangin kayo nito sa pakikipag-usap at kapag tuluyan na nitong nakuha ang inyong atensiyon ay agad itong makikiinom at sa pagkakataong kumuha kayo ng tubig ay sasamantalahin ng demonyong ito ang pagkakataon para nakawin na ang inyong laptop, cellphone, alahas at iba pang puwedeng manakaw at agad itong tatakas bitbit ang mga nakulimbat nitong gamit ninyo.

‘Yan ang istayl ng (mga) nagkukunwaring uupa ng kuwarto pero mga kawatan pala na kasalukuyang gumagala sa kalakhang Maynila.

Mga ka-BULGAR, ngayong kapaskuhan, pinaaalalahanan din kayo ng pitak na ito na maging mapagmatyag at segurista sa mga taong nagkalat at nagpapanggap ng kung anu-ano para lamang kayo ay biktimahin sa kanilang modus-operandi. Ikaw kaibigan, ano ang sey mo?

Palaging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Mas ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page