Isnatser at holdaper, balik na naman sa Metro Manila
NAMPUTSA, lantaran na naman ang isnatser at holdaper sa Metro Manila. May “alaga” na naman ang mga parak?
***
WALANG duda, sa krimen ay karaniwang bahagi ang ilang miyembro ng pulisya. Kaya nang alisin ang “internal cleansing” sa PNP — nagbalik ang kriminalidad!
***
HINDI na dapat nagpapauto si P-Digong sa mga sepsep sa kanyang paligid. Dapat nating maunawaan na “walang anghel” na police officer na puwedeng maging PNP chief!
***
ANG mga heneral na may mababang ranggo ay hindi garantiya na sila ay “anghel” at kuwalipikadong maging PNP chief. Kahangalan ‘yan!
***
NAGPAPAHIWATIG na si P-Digong, nadidiktahan lamang ng mga dakilang sepsep kaya isinasantabi ang rekomendasyon ng DILG secretary. Dapat sumunod si P-Digong sa protocol!
***
BAGAMAN, may diskresyon ang pangulo sa pagtatalaga ng opisyal, hindi siya ligtas sa “moralidad”. Imoral at labag sa protocol na magtalaga nang hindi nagdaan sa masusing pagsala o pagsusuri!
***
MAPAPANSIN dito na ang ilang desisyon ng pangulo ay hindi nagmula sa sarili niyang katinuan, bagkus ay mula sa matinding “bulong” ng kanyang mga amuyong. Kapag nagtalaga si P-Digong ng hindi kuwalipikadong PNP chief, mapapabilis ang paghina ng kanyang poder!
***
ANG poder ay ang “enerhiya, puwersa o kapangyarihan” ng lider na mag-utos o magpasunod sa kanyang mga nasasakupan. Ano ang sintomas ng panghihina ng poder ng lider? Ito ay ang lihim na pambabastos o pag-bypass sa kanya o pagsuway sa tagubilin o utos ng pinakamataas na lider ng bansa!
***
PARA madaling maunawaan kung ano ang poder, mas makikita ito sa “lameduck president”. Dahil siya ay pilay, hindi siya ang “nasa unahan ng hilera, bagkus, nandu’n siya sa likuran at hinahatak ang pilantod na paa!
***
ANG lameduck president ay dekorasyon lamang dahil ang “de-facto” leader ay nasa unahan — kahit hindi siya elected at siya ay “simpleng amuyong lamang”. Dapat maiwasan ni P-Digong na magmistula siyang “lameduck president”!
***
HABANG nauubos ang termino ni P-Digong sa Malacañang, hindi maiiwasang “mabanggit” ang pagiging lameduck president niya. Dapat ingatan niya ang “isyung ito” dahil hindi ito biro. Nakasandal dito ang katatagan ng bansa. “National security” ang isyung ito na ating ipinauunawa sa lahat, partikular kay P-Duterte!
***
ISANG malaking paghamon kay P-Digong na maging “stateman” o lider na isinasakripisyo ang personal na “biases” para sa kapakinabangan ng nakararami. Naipakita ito ng kanyang idolo na si ex-P-Marcos nang tanggihan nito ang payo ni Heneral Ver na “bombahin” ang Crame. Alam ni Ver at alam ni ex-P-Marcos na ito ang susi sa pananatili nila sa Malacañang. Pero, nanaig ang pagiging stateman ni ex-P-Marcos — hinayaan niya ang pagdami ng tao, bago siya sumakay sa helicopter na ipinadala ng U.S. government alas-8:00 ng gabi, Pebrero 24, 1986!





Comments