top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

BF ni Kathryn, pinasayaw kahit alam na wa' 'K'… Daniel, nilayasan si James sa dance floo

Beth Gelena
Nov 19, 2019
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

After ng successful show ng ASAP Natin ‘To sa Rome nu’ng Sunday ay nagkaroon ng night party ang mga Kapamilya celebrities.

Nagkatuwaan ang grupo na magsayawan. Si James Reid na nasa grupo nina Daniel Padilla ay sadyang mahusay magsayaw. Niyaya niyang pumunta silang dalawa sa dance floor ni Daniel. Alam naman ng lahat na hindi marunong magsayaw ang boyfriend ni Kathryn Bernardo kaya kahit ano’ng pilit ni James ay ayaw talaga ni DJ.

Ang ginawa ng boyfriend ni Nadine Lustre ay halos buhatin niya si Daniel para lang mapapunta sa dance floor. Nang nasa gitna na ang dalawang aktor ay panay na ang swing ni James.

Si Daniel, umindak lang sandali saka iniwan ang mga kasamahan sa dance floor kaya komento ng isang netizen, “Talagang walang talent sa pagsayaw si Daniel. Hindi siya marunong at all. Aminado naman siya on this...” Hindi nga raw marunong magsayaw si DJ, pero mahusay namang kumanta lalo na pagdating sa old songs.

Isang netizen naman ang sumawsaw sa commenter. Aniya, “Meron bang selective singer, pang-old songs lang ang boses, bwahahaha! Nu’ng guest singer siya sa Binibining Pilipinas years ago, lakas ng loob kumanta, sintunado naman. Nakakahiya...”

Marami naman ang natuwa dahil mukhang magiging mag-best friends daw sina James at Daniel at sabi ng isang netizen, “Good vibes lang. Nakakatuwa nga, kasama ng KathNiel si James, nag-dinner out sila after party.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page