Bahay ni tserman nilimas

Tinangay ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang malaking halaga ng pera, alahas at mamahaling kagamitan matapos pasukin ang bahay ng tserman sa Bgy. Liwayway, Mauban, Quezon.
Alas-7:00 ng gabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktimang si Leonardo Agudo, 41, residente at chairman sa nasabing lugar.
Bigla umanong pumasok ang dalawang hindi nakikilalang suspek sabay tutok ng baril bago iginapos ang kamay ng biktima.
Agad silang naghalughog sa kabahayan nito hanggang sa tangayin ang malaking halaga ng salapi, alahas at mamahaling kagamitan. Kinuha rin nila ang CCTV camera saka nagsitakas.





Comments