top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Ang tatlong nagwagi sa 24th MARHO C’ships

Ding Taboy
Nov 19, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Nagsipanalo ang mga paboritong kabayo sa nakalipas na 24th MARHO Breeders’ Championships ang tatlong mananakbo na Son Also Rises, Scarborough Shoal at Obra Maestra sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Bukod dito nakalikha na naman tayo ng bagong susubaybayan ng mga karerista mula sa imported na kabayo gaya na lamang ng pagkakapanalo ng

Bugle Notes ng Bell Racing Stable sa nakaraang 2019 Philracom Amb.

Eduardo M. Cojuangco, Jr. Cup na hawak ng SC Stockfarm ang titulo.

Nagdiwang ang mga dehadista at llamadista sa magandang karerang inihatag sa bayang karerista.

Hindi nagkamali ng forecast ang Renda at Latigo sa pagkakapanalo ng kabayong Son Also Rises at Lakan sa Marho championships Sprint sa simula ng laban.

Nanalo ang After Party sa 2 Year Old Juvenile Colts and Fillies nang pakainin ng alikabok ang 9 na kalaban nito at pumangalawa ang liyamadong Cool Mom at pumangatlo ang One Fifteen.

Nagwagi ang Scarborough Shoal sa 24th Marho Breeder Championships-Classic matapos biguin ang pagtatangka ni Cerbeza Rosas.

Pinagwagian ng Boss Emong ang Marho-SMB Ciara Marie Abalos Foundation Trophy race at pumangalawa ang Highway One.

Pinagwagian ng Obra Maestra ang 24th Marho Breeders Championships 3 Year Old Colts and Filly Mile at pumangalawa ang Toy for the Bigboy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page