top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Pinas, kampeon sa Beach Volley, may laban na para sa 30th SEAG

  • VA
  • Nov 19, 2019
  • 1 min read

Photo: Abs-cbn Sports

Nagpamalas ng kanilang kahandaan sa gagawin nilang pagsabak bilang kinatawan ng bansa sa darating na Southeast Asian Games ang tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons matapos nilang magkampeon sa katatapos na 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open.

Dinaig nina Rondina at Pons sa naitakdang all-Filipino championship ang kapwa nila SEAGames bound na sina Dij Rodriguez at Dzi Gervacio, 21-10 21-16 sa Sands SM By The Bay noong Linggo ng gabi.

“Ang hirap makipagbakbakan sa mga international teams, lalo na’t matatangkad, mas experienced at mas beteranong mga player,” ayon sa dating 4-time UAAP champion para sa University of Santo Tomas na si Rondina.

“What we did is makakuha kami ng experience. Makaranas kami ng preparation for the SEA Games, okay na kami roon. Hindi namin ini-expect na aabot kami sa Finals. Thankful kami,” dagdag nito.

Sa men’s division, nagkampeon ang muling nagkasamang sina Efraim Dimaculangan at Rancel Varga matapos magwagi, 21-12, 21-18 kontra kina KR Guzman at Jaron Requinton sa finals.

“Thankful and blessed po. Unexpected ang panalo namin kasi matatangkad pa kalaban namin,” ani Varga.

“Siguro po, swerte itong year na ito.”

Nanalo naman sina Nationals Edmar Bonono at Jude Garcia kontra sa DMM-Thailand 2 pair nina Chaiphichit Khongin at Chairat Hanrasa, 21-18, 21-15, para kumpletuhin ang 1-2-3 finish ng bansa sa men’s division.

Sina Yeung Wai Yan at Koo Yung Yung ng Hong Kong na nagposte ng 22-20, 21-23, 15-13 panalo kontra sa New Zealand tandem nina Renei Ursem at Olivia Macdonald ang tumapos na pangatlo sa women’s division.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page