Sen. Drilon at VP Leni, lalo lang sinisira ang dilawan dahil sa kadadakdak vs. war on drugs
- Bobi Tiglao
- Nov 18, 2019
- 2 min read
Sa patuloy na kadadakdak nina Sen. Franklin Drilon at VP Leni Robredo ng mga walang saysay na bagay ay tuluyan nilang pinasasama ang imahe ng dilawan o Partidong Liberal.
Makabubuti kung bubusalan nila ang kanilang bibig nang sa gayun ay hindi mawalan ng gana ang mamamayan sa kanila, lalo na at malapit na rin ang susunod na eleksiyon.
Isipin ninyo, sa lahat ng ibabanat ni Sen. Drilon sa administrasyong Duterte ay “Build, Build, Build” Program pa talaga ang pinag-initan nito? Tinawag niya itong “dismal failure” isang buwan matapos niyang sabihing “terrible performance” raw ang nangyayari sa nasabing programa ng kasalukuyang administrasyon.
Hindi ba siya aware na malaki ang kapakinabangan nito sa aspetong transportasyon ng bansa?
Ang naglalakihang konstruksiyon ng mga imprastruktura, expressway, highway, tulay at iba pa ay malaking bagay upang masolusyunan ang matinding problema sa trapik.
Ito ang isa sa mga popular at matagumpay na programa ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ilang taong konstruksiyon, kitang-kita ng mamamayan ang malaking improvement nito.
Tulad ngayong buwan, nagulat ang mga taga-Sta. Rosa nang nabuksan na ang highway mula sa Mamplasan patungong Sta. Rosa, tunay na malaking kaginhawahan ang dulot nito. Mismong si Sen. Drilon na may bahay-bakasyunan daw sa Tagaytay ay dapat matuwa sa bagong daan na ito!
Bagama’t, hindi alintanang nadagdagan ang trapik sa ilang lugar tulad sa SLEX palapit sa Alabang, pansamantala lamang ito dahil pinalalaki ang Skyway.
Samantala, ito namang si VP Leni, ang pinakamataas na opisyal ng dilawan ay nabigyan ng katungkulan ni Pangulong Duterte bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD), kung anu-ano namang walang kuwentang bagay ang idinadakdak na kesyo dapat daw tayong humingi ng tulong sa mga Kano.
Hindi ba nila alam na mismong ang U.S., hindi matulungan ang kapitbahay nilang Mexico na sugpuin ang ilegal na droga?
Noong isang araw, pilit na hinihingi ni VP Leni sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ibigay sa kanya ang listahan umano ng mga bigtime drug lord sa bansa o narcolist. Huh, anong ginagawa niya?
Sa ikinikilos niyang ito ay tila lumalabas na sangkot si VP Leni sa ilegal na droga. Bakit niya hihingin ang listahan ng mga drug lord? Nagsuspetsa tuloy ang mga tao kung bakit gusto niya ng listahan ng mga drug lord.
Magaling lang magsalita at magmalaki si VP Leni, pero sa totoo lang ay wala talaga itong kaalam-alam sa ilegal na droga sa bansa.
Una pa lang, kung wala siyang magandang sasabihin, dapat nanahimik o binusalan na lang niya ang kanyang bibig at tumulong na lang para pag-aralan ang napakalaking problemang ito.
Ang problema, hanggang salita at pambabatikos lang ang kanyang ginagawa na akala mo ay eksperto sa ilegal na droga. Tsk!
Kung magpapatuloy sina Sen. Drilon at VP Leni sa kanilang mga pambabanat, paniguradong patuloy lang nilang inilalagay sa alanganin ang oposisyon, hindi malayong mawala sa poder ang kakaunti nilang miyembro.





Comments