Marami nang sakit, hirit ng London based think tank.. P-Duterte, palitan na

Mas maraming foreign investors ang papasok sa bansa sakaling palitan ni Vice-President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod na rin ng mga nararamdamang sakit ng huli.
“We don’t know much about what Ms. Robredo’s economic agenda would be if she took office, but given her fierce opposition to Duterte’s authoritarian tendencies, including his willingness to undermine political institutions, a change in president would probably be welcomed by investors,” ani Gareth Leather, Capital Economics’ senior economist.
Samantala, inilarawan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ‘wishful thinking ang inihayag ng London-based think tank.
“Unang-una, eh, ‘yun ay wishful thinking. Pinakikialaman na naman nila ‘yung soberanya at ‘yung tinig ng taumbayan na naghalal sa kanya, overwhelmingly,” ani Panelo.
“Masyado silang nakikialam sa pamamalakad ng ating pamahalaan,” giit pa ng kalihim.
“Eh, maling-mali siya du’n. ‘Di ba, sinasabi nga ng mga economic manager, maganda ang investment natin lalung-lalo na sa foreign,” pahayag pa ni Panelo.
Nabatid na si Pangulong Duterte ang pinakamatandang elected president sa bansa sa edad na 74. Una nang inamin ng Pangulo na hindi maganda ang lagay ng kanyang kalusugan at marami na siyang sakit dahil na rin sa kanyang katandaan.





Comments