Driver nakatulog.. Bus sumalpok sa bahay, 8 nadale

Photo: Gumaca MDRRMO
Walong pasahero ng bus ang sugatan makaraang sumalpok ang naturang sasakyan sa isang bahay sa Gumaca, Quezon.
Pasado alas-4:00 kahapon ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa bahagi ng Maharlika Highway, Bgy. Binambang.
Ayon sa Gumaca Municipal Police Station, patungong Daet, Camarines Norte ang DLTB Bus Co., mula Maynila.
Masuwerteng walang nasaktan sa mga taong natutulog sa bahay habang kabilang ang driver ng bus sa mga nasugatan at naisugod sa magkakahiwalay na pagamutan.
Posible umanong nakatulog sa biyahe ang bus driver na naging dahilan para lumabas ito ng linya at tuluyang sumalpok sa bahay. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.





Comments