top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Crab mentality ng ilang Pinoy ang sisira sa SEA games

Ka Ambo
Nov 18, 2019
2 min read

Super excited na ang mga Pinoy sa 30th SEA Games na Pilipinas ang magiging host ngayong buwan.

Aangat na naman ang ‘Pinas sa mapa ng daigdig!

◘◘◘

NAKAPAGTATAKANG umiiral pa rin sa mga Pinoy ang pagiging utak-talangka.

Gusto yata ni Sen. Frank Drilon na idiskaril ang okasyon sa pamamagitan ng pagsira sa kapwa Pinoy, gayung dalawang linggo na lang ay magsisimula na ang SEA Games!

◘◘◘

NANG maisalang ang budget ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Senado, kinaladkad ni Sen. Drilon si Sen. Christopher “Bong” Go kaugnay sa legalidad ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), gayung maayos ang proseso nito.

Kinukuwestiyon kasi ang legalidad ng PHISGOC!

◘◘◘

LIPAS nang isyu ang isinisingit ni Sen. Drilon dahil nilinaw na ‘yan ng Malacañang at ng mga kinauukulang ahensiya.

Makasisira ito sa preparasyon ng mga atleta at masisira rin ang reputasyon ng gobyerno sa mata ng mga turista at dayuhang atleta!

◘◘◘

SA totoo lang, kinaltasan ng Senado ng 33% ang inilalaang pondo para sa SEA Games hosting. Mula sa P7.5 bilyon ay naging P5 bilyon na lang ito.

Mabuti na lang at nadagdagan ng P1 bilyon ang pondo ng SEA Games hosting dahil sa tulong ng Office of the President!

◘◘◘

BATAY sa SEA Games Federation Charter, ipinauubaya sa National Olympic Committee (NOC) o sa Special Organizing Committee ang pangangasiwa sa biennial meet.

Noong 2015, nag-host ang Singapore at noong 2017, nag-host ang Malaysia. Nagtayo rin sila ng mga special organizing committees tulad ng Singapore SEA Games Organizing Committee (SINGSOC) at Malaysian Sea Games Organizing Committee ( MASOC)!

◘◘◘

PINAMUNUAN ni Lim Yek Tin ng Singapore Sports Council ang SINGSOC at pinamunuan naman ni Khairy Jalamuddin na minister ng Youth at Sports ang MASOC.

Ibinatay ng PHISGOC ang kanilang istruktura na ginawa noong 1991 at 2005 kung saan nagtayo rin ng Philippine SEA Games Organizing Committee Foundation, Inc.!

◘◘◘

SI P-Duterte mismo ang nag-utos na hindi maaaring hawakan ang Organizing Committee ng isang ahensiya lamang, mapa-PSC o POC man ito.

Ito ay upang maiwasan ang katiwalian!

◘◘◘

BAKIT pinalalaki ang isyu ngayon tungkol sa legal personality ng Organizing Committee kung naisagawa na ito noong 1991 at 2005?

Malinaw na binibiktima ang SEA Games ng maruming politika at pagiging utak-talangka ng ilang Pinoy.

Tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page