Computer shop hinoldap 3 pumalag niratrat

Sugatan ang tatlong nasa loob ng computer shop matapos pasukin at pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek sa Sitio Paenaan, Bgy. Pinugay, Baras, Rizal.
Alas-3:30 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang computer shop kung saan naroroon ang mga biktimang sina Jayson Richard Cruz, negosyante; Jay-R. Lopez, caretaker at si Cherry Anne Lopez.
Tinangay ng mga suspek ang mamahaling kagamitan pero, posible umanong nanlaban ang mga ito kaya pinagbabaril ng mga suspek bago nagsitakas.
Dinala ang mga sugatan sa pinakamalapit na pagamutan habang patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga suspek.





Comments