top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bagyong Ramon at LPA, joint forces

V. Reyes
Nov 18, 2019
1 min read

Nagbabanta ang malakas na mga pag-ulan sa Hilagang Luzon dahil sa Bagyong Ramon habang isa pang low pressure area (LPA) ang papasok din sa teritoryo ng Pilipinas sa mga susunod na araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan ang mahina hanggang sa paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa mga lugar na nasa ilalim ngayon sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 kabilang ang Cagayan kasama ang Babuyan Island, Isabela, hilagang bahagi ng Aurora kasama ang Dilasag, Casiguran at Dinalungan.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 395 kilometro ng silangan ng Casiguran, Aurora alas-10:00 kahapon ng umaga. Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 65 kilometro kada oras at pagbugso na 80 kilometro kada oras.

Sa Huwebes ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo dahil sa mabagal na pag-usad nito na nasa 10 kilometro kada oras lamang.

Samantala, sa Martes naman papasok ang LPA na malaki ang tsansa na maging ganap na bagyo. Huli itong namataan sa layong 2,420 kilometro sa silangan ng Visayas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page