top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 days pa lang magkakilala sa FB, nagkita.. 17-anyos ni-rape ng 15 yrs. old

Jeff Tumbado
Nov 18, 2019
1 min read

Hindi inakala ng 17-anyos na babae na ang pakikipagkaibigan niya sa 15 years old na lalaki na nakilala lamang sa social media ang siyang gagawa ng kahalayan sa kanya.

Ito ay matapos ireklamo ng dalagitang biktima ang ginawang panghahalay ng menor-de-edad na lalaki.

Batay sa salaysay ng biktima, nangyari ang insidente noong Biyernes, matapos nilang unang magkita mula nang sila’y magkakilala sa Facebook may dalawang araw nang nakalilipas.

Ayon kay Police Staff Sergeant Junyl Ater, nagkita ang dalawa sa bahay mismo ng dalagita at doon din nangyari ang rape.

Pasado alas-8:00 ng gabi ng Sabado, Nobyembre 16, nang magtungo ang biktima kasama ang bayaw nito sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang menor-de-edad na suspek kaugnay sa insidente ng panggagahasa.

Sa follow-up operation ng mga awtoridad, nadakip ang binatilyo makaraang matunton sa bahay nito sa Bgy. Poblacion Ward Dos.

Sa naturang presinto inamin ng binatilyo ang ginawang panghahalay nito sa dalagita.

Pansamantalang ikokostodiya ang binatilyo sa Minglanilla Police habang inihahanda ang kasong rape laban sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page