Walanjo, parang wala lang!.. Serye ng aktor, tuloy kahit minura ang direktor

BLIND ITEM:
Tuloy-tuloy ang taping ng isang teleserye kahit nabalitang nagkamurahan ang direktor at lead actor. Ibig sabihin, naayos ang conflict ng dalawa, hindi na pinahaba dahil ang show ang magsa-suffer.
Nag-pack-up lang ang taping sa mismong araw na nagsagutan at umabot sa murahan ang direktor at aktor and after that, tuluy-tuloy na uli ang taping.
Maganda ang feedback sa teleserye at sana, hindi maging dahilan ang sagutan ng direktor at ng lead actor para masira ang takbo ng taping.
Kinol daw kasi ng direktor ang atensiyon ng aktor dahil hindi maibigay ang acting at emotion na gusto niya sa isang matinding eksena ng teleserye.
Nagkasagutan ang dalawa at pareho sigurong mainit ang ulo at pagod kaya umabot sa ganu’n.
Kilala namin ang aktor, he is one of the friendliest stars sa business at masaya ang love life. Siguro nga pagod lang kaya nasagot ang kanyang direktor.





Comments