top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Umiiwas mainterbyu?.. Ruru, inindyan ang imbitasyon ni Ka Tunying sa opening ng resto

  • Nitz Miralles
  • Nov 17, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo: Ruru Madrid (right)

Hindi dumating si Ruru Madrid sa launching ng Panlasang Makabayan ng Ka Tunying’s Restaurant last Friday sa SM North Tower kaya hindi siya nakausap ng press. Ready pa naman ang press na ma-interview ang aktor na nasa Cebu yata.

Ang dumating lang ay si Ejay Falcon na galing pa sa presscon ng Damaso, si Richard Poon at si DOT Secretary Berna Romulo-Puyat.

Sila ang mga nakasama ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna sa launching ng new logo at new dishes na ise-serve sa nine branches ng Ka Tunying’s Resto, gayundin sa pagbasa ng Panlasang Makabayan vow at pagpapakilala sa mascot ni Ka Tunying na sumayaw pa.

Ibinalita ni Anthony na sa December 15, bubuksan na ang bagong branch sa Tagaytay City na magiging flagship resto nila, and for 4 years, grabe ang growth ng Ka Tunying’s na nagsimulang panaderia, naging bakeshop, naging café, at ngayon, full service restaurant na at mukhang may mga susunod pang branches.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page