top of page

Proseso sa pagkuha ng SSS Unemployment Insurance ‘pag natanggal sa trabaho

  • Buti Na Lang May SSS
  • Nov 17, 2019
  • 2 min read

Buti na lang may SSS

Dear SSS, Magandang araw! Maaari ba ninyong talakayin kung paano makaka-avail ng SSS unemployment insurance? Maraming salamat! — Roberto

Sagot

Mabuting araw, Roberto! Ang unemployment insurance o involuntary separation benefit ay isa sa mga bagong probisyon sa ilalim ng Republic Act 11199 (Social Security Act of 2018). Mula noong Marso 5, 2019, ang kuwalipikadong covered employee, kasambahay at Overseas Filipino Workers (OFWs) ay maaaring makatanggap ng cash benefit na katumbas ng kalahati ng kanilang average monthly salary credit (MSC) sa loob ng dalawang buwan.

Kinakailangan na ang covered employee ay hindi lalampas sa 60 taong gulang nang siya ay hindi inaasahang nawalan ng trabaho. Para naman sa underground at surface mineworkers, hindi dapat higit sa edad 50 at 55 sa mga racehorse jockeys.

Dapat nakapaghulog din ng hindi bababa sa 36 buwang kontribusyon kung saan ang 12 kontribusyon ay naibayad sa loob ng 18 buwan bago ang buwan na siya ay nawalan ng trabaho.

Bukod dito, maaari lamang bigyan ng unemployment insurance ang mga empleyado na natanggal sa trabaho dahil sa legal na pagtatanggal ng manggagawa na naaayon sa Labor Code of the Philippines tulad ng paglalagay ng labor-saving devices ng kumpanya, redundancy, retrenchment, pagsasara o pagtigil ng operasyon ng kumpanya at pagkakaroon ng sakit o karamdaman na hindi na pinahihintulutan ng batas na makapagtrabaho pa.

Gayundin, ang pagkatanggal sa trabaho bunsod ng pagbagsak ng ekonomiya, pagtama ng kalamidad at katulad na mga dahilan ang maaaring tukuyin ng SSS at Department of Labor and Employment (DOLE).

Maaari lamang makakuha ng unemployment insurance o involuntary separation benefit nang isang beses kada tatlong taon mula sa araw ng pagkawala ng kanyang trabaho. Kung sakaling magkaroon ng magkasabay na dalawa o higit pa na pagkawala sa trabaho sa parehong panahon, ang pinakamataas na benepisyo lamang ang babayaran ng SSS.

Sa mga nais mag-file para sa naturang benepisyo, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa kanilang lugar sa Pilipinas o maging sa ibang bansa man. Dapat mai-file ang unemployment insurance o involuntary separation benefit sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pagkawala ng trabaho.

Kinakailangan lamang magsumite ng orihinal at photocopy ng dalawang (2) valid IDs, sertipikasyon na magpapatunay ng dahilan at araw ng pagkatanggal sa trabaho na iniisyu ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng regional offices at Philippine Overseas Labor Offices (POLO) nito. Kalakip nito ang Notice of Termination mula sa Employer o Affidavit of Termination of Employment.

***

Nais naming ipaalam sa mga retiree pensioners na bukas pa rin ang Pension Loan Program ng SSS para sa inyong panandaliang pangangailangang pampinansiyal. Magsadya lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa inyong lugar para sa inyong mga aplikasyon. Makakahiram kayo ng hanggang P200, 000 bilang maximum loanable amount na maaaring bayaran hanggang 24 months o dalawang taon.

***

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa SSS o kung mayroon kayong paksa na nais talakayin sa kolum na ito, maaari kayong magpadala ng email sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Kung mayroon man kayong mga katanungan tungkol sa SSS o mayroon kayong topic na nais matalakay sa kolum na ito, maaari ninyo kaming i-email sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page