Mga religious leaders, mas takot mamatay kesa sa mga pusakal
Hindi tumitigil ang lindol sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Babala ba ito ng “The Big One”?
***
DAHIL sa lindol, karaniwang sa ground floor na lang nagkaklase ang mga estudyante sa Mindanao. Ito ay para mabilis silang makalabas ng gusali sakaling muling yumanig.
***
PAANO sa Metro Manila kapag yumanig ng malakas, paglabas mo ng gusali may malaking gusali rin na maaaring bumagsak sa iyo? Mahirap iwasan ang malakas na lindol. Isa sa mga kalaban ng tao ay mismong ‘panic’!
***
SUMISIGAW ang iba kapag lumilindol ng “don’t panic!” Kapag tumagal ang pagyanig, itinodo-todo ang pagsigaw ng “don’t panic” kung saan lalong nag-panic ang mga tao. Hindi kontrolado ng tao ang kanyang sarili sa sandali ng trahedya!
***
SA panahon ng panganib, ang adrenalin ng tao ang siyang magbibigay sa kanya ng lakas at isip kasabay ng instinct upang makalayo sa panganib. Ibig sabihin, subconscious ang iiral sa tao at hindi ang kanyang “conscious mind”!
***
PAANO madidiktahan ang “consciousness”? Ito ay magagawa kapag ang tao ay “paulit-ulit” na nabibingit sa panganib, nasasanay ang kanyang “utak” na makaligtas mula sa panganib. Ang mga pusakal na mamamatay-tao ay karaniwang “sanay” na sa panganib, hindi sila natatakot “mamatay” at ang kanilang natatagong kamalayan ay nakahanda sa lahat ng panganib. Kumbaga, hindi sila pahuhuli ng buhay!
***
ANG problema natin, ang mga tao na hindi sanay na nabibingit sa panganib, paano niya tatalunin ang “panic”? Ganyan din ang mga tao, kapag may nervous breakdown. Paano siya kumakalma? Nireresetahan sila ng doktor ng gamot na pampakalma!
***
ANG lakas ng loob ay karaniwang ibinigay ng epekto ng alcohol at droga. Pero, ang kailangan ay sanayin ng tao ang kanilang sarili na “mabingit sa panganib”. Kung paano ‘yan, isang malaking katanungan!
***
KAHIT ang mga religious leaders ay natatakot “kunin agad ni Lord”. Likas sa tao na matakot sa katapusan ng kanilang buhay. Para kumalma ang tao, kailangan matiyak niyang ligtas siya sa lugar na kanyang kinatatayuan sa panahon ng lindol at hindi siya dapat matakot na mawala sa ibabaw ng mundo!





Comments