top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga adik sa online shopping, esep-esep at basa-basa rin, ‘wag lang bili nang bili

Ryan B. Sison
Nov 17, 2019
2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Shoutout sa mga mahilig mag-online shopping kapag sale!

Bukod sa libre ang shipping fee, talagang bagsak-presyo ang mga item kaya maraming mamimili ang todo-hakot ng kanilang mga pangangailangan at isinasabay na ang pamimili ng kanilang mga panregalo.

Kung maraming natutuwa dahil sa libreng shipping fee at bagsak-presyong mga paninda, meron ding mga naiimbiyerna dahil kung hindi masungit ang seller, scammer naman ito.

Naranasan n’yo na bang mainis dahil para kayong na-scam dahil kung hindi defective ang item ay maling produkto ang dumating sa inyo? Hay, naku!

Kamakailan, nagsagawa ng malakihang sale ang dalawang online shopping websites kung saan maraming online shoppers ang nag-abang at humataw sa pamimili para masulit ang sale.

Pagkalipas nang ilang araw, nagkalat sa socmed ang mga post ng online shoppers na diumano’y na-scam ng shopping websites.

Ayon sa isang netizen, bumili siya ng bluetooth earphone, pero nang dumating ang package ay nadismaya siya dahil earphone case lang ang laman nito.

Gayundin, hindi lang siya ang nakatanggap ng earphone case dahil marami ring nag-post ng parehong insidente at naniniwalang na-scam sila ng naturang online shop.

Ngunit, nang makita natin ang screenshot ng item mula sa shop na ipinost ng netizen, malinaw na sinabi sa post na earphone case lang ang ibinebenta nila sa halagang P33.

Kung tutuusin, walang kasalanan ang online shop dahil nakasaad sa kanilang post kung ano ang ibinebenta at ang mga mamimili ang may pagkakamali rito.

Paalala sa lahat, napakadaling mag-”add to cart” at mag-“checkout” ng mga ipinamili, pero sana, bago ito gawin ay siguraduhing tama ang bibilhing item.

Hindi porke naka-sale o bagsak-presyo ay basta na lang bibili.

Kumbaga, kapag masyadong mababa ang presyo ng item para sa klase o brand nito, magsimula na kayong mag-isip at mag-analisa bago bumili dahil dalawa lang ang puwedeng mangyari — makamura o mapamura sa inis dahil na-scam kayo.

Hindi natin sinasabing huwag mamili kapag sale, pero sana ay gawin din natin ang ating parte bilang mamimili — maging wais at huwag agad magpadala sa mga bagsak-presyong bilihin, lalo na kung sa online mamimili.

Hindi naman siguro tayo mauubusan ng mga paninda kung maglalaan tayo ng kaunting oras para magbasa ng reviews at intindihin ang product description.

Panawagan sa mga mahilig mag-online shopping, maging wais na mamimili at iwasang manisi ng iba kapag nagkamali

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page