top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Kaya todo-tutol daw… Daniel, 'Di ma-take na driver lang ang BF ni Karla

  • Erlinda Rapadas
  • Nov 17, 2019
  • 1 min read

Photo: Karla Estrada (right)

So, hindi na nga naawat ni Daniel Padilla ang kanyang Mama Karla Estrada sa muling pagpasok sa isang relasyon.

Open si Daniel sa pagsasabing ayaw na sana niyang muling mag-boyfriend pa ang kanyang ina. Sila na lang daw na mga anak nito ang asikasuhin.

Inaalala ni Daniel na baka masaktan lang muli ang kanyang ina kapag umibig uli at nakipag-BF, tulad ng nangyari sa mga nauna nitong karelasyon.

Pero dahil bata pa naman si Karla na nangangailangan din ng someone na magmamahal at mag-aalaga sa kanya, hindi niya napigil ang sarili na muling umibig.

It seems hindi kaya ni Karla na isakripisyo ang kanyang love life para sa kanyang mga anak. Besides, hindi naman daw siya naging pabayang ina at may oras na inilalaan para sa kanyang mga anak.

Umaasa si Karla na mauunawaan ni Daniel ang kanyang katayuan bilang single mom. At this point of her life, kailangan din naman niyang lumigaya at maranasan kung paano mahalin at pahalagahan ng isang lalaki.

Pero may tsikang kaya tutol si Daniel sa BF ngayon ng kanyang ina ay dahil isa lang umano itong driver at walang maayos na kinikita.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page