top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Hotshots, sampa na sa Q’finals

ATD
Nov 17, 2019
1 min read

Naniguro ang Magnolia Hotshots sa pagsampa sa quarterfinals matapos nilang siyapulin ang 100-93 panalo laban sa TNT KaTropa sa PBA Governor’s Cup kagabi sa University of Southern Philippine Gym.

Kumayod si reinforcement Romeo Travis ng 21 points, 13 rebounds at tigatlong assists at steals upang ilista ang 6-5 karta para sa Hotshots na tumibay ang kapit sa 6th place sa team standings.

Bahagyang nagpakita ng bangis ang KaTropa sa kalagitnaan ng 4th period pero naging matatag ang Magnolia. Ganadong maglaro ang Hotshots sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 15-points lead, 56-41 sa halftime.

Nanatili ang tikas ng Pambansang Manok Magnolia sa third canto, umabot sa 17 puntos ang kanilang nilamang, 79-62 papasok ng 4th. Patuloy ang magandang laro ng Hotshots sa payoff period kaya hindi naagaw sa kanila ang bentahe, nasikwatin nila ang mahalagang panalo. Nangalabaw si import KJ McDaniels ng 33 markers at 15 boards pero hindi sapat para itaguyod sa panalo ang KaTropa.

Samantala, puntirya ng crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings ang outright quarterfinals pagharap nila sa NorthPort Batang Pier ngayong ala-6:45 ng gabi sa Araneta Coliseum. Nasa pang-apat na puwesto ang Gin Kings tangan ang 7-3 record, ito’y matapos magtala ng back-to-back wins.

Nilasing ng Ginebra ang Columbian Dyip, 113-90 noong Biyernes kaya naman nakasiguro sila ng Top Four finish sa 11-game elimination round.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page