Homecourt advantage, pambato ng SEAG cycling

Tiwala ang Philippine Cycling team na magiging maganda ang kanilang kampanya sa 30th Southeast Asian Games. Hindi lang dadalhin ng mga siklista ang homecourt advantage kundi ang buong suporta ng PhilCycling sa pamumuno ni Cong. Abraham ‘’Bambol’’ Tolentino at team manager Ernesto ‘’Judes’’ Echauz na siya ring chairman ng Standard Insurance at pangulo ng Sailing sa bansa at suportado rin ang Philippine duathlon team na inaasahang magbibigay ng maraming ginto sa Pilipinas.
Naniniwala si dating SEAG gold medalist Marella Salamat na palaban ang pambansang koponan na may kakakayahang maging numero uno sa biennial Games. Gagawin ang padyakan sa Dis. 4-7 sa Nasugbu, Batangas.
“We’re very confident of winning most of the gold medals in the SEA Games,” sabi ni Salamat sa 48th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa NPC, Intramuros.
“Maayos ang naging paghahanda namin ngayon at tiwala kami na mananalo kami,” dagdag ni
Salamat na kinuha ang ginto noong 2015 sa Singapore SEAG.
Sinabi ni Salamat na nag-aaral ng dentistry sa University of the East, na maganda ang preparasyon ng national athletes para sa SEAG.
Noong 2016 ay kinuha ni Salamat ang pilak sa World University Cycling Championships sa Tagaytay City. “To be honest, I don’t want to put too much pressure on myself anymore. I’ll just do my best and see what happens.” ()





Comments