top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Game 1: Ateneo, nanambak

  • A. Servinio/VA
  • Nov 17, 2019
  • 2 min read

Isang panalo nalang ang kailangan ng Ateneo de Manila University upang lumikha ng bagong kasaysayan matapos tambakan ang University of Santo Tomas, 91-77, sa pagsisimula ng seryeng best-of- three para sa korona ng UAAP 82nd University Athletic Association of the Philippines sa Araneta Coliseum kahapon. Walang sagot ang UST sa umaapoy na laro ni Thirdy Ravena at kasama pa ang isang walang patawad na depensa ay lamang ang Blue Eagles mula simula.

Nagpasabog si Ravena ng 11 puntos upang itulak ang Ateneo sa 18-2 sa maagang kalamangan. Saglit nagising ang UST sa likod ni Rookie of the Year Mark Nonoy sa second quarter at tinabas ang lamang sa 5 puntos nalang, 33-38, subalit umarangkada uli ang Blue Eagles para kunin ang first half, 54-39.

Nagtapos si Ravena na may 32 puntos, 5 rebounds at 3 assists. Sinundan ni Ange Kouame na may 18 puntos at 12 rebounds habang may 12 puntos, 4 rebounds at 5 assists si SJ Belangel.

Pinasok ni Nonoy ang pitong 3 para sa 26 puntos subalit kinulang ng tulong sa mga kakampi. Sumunod sina Brent Paraiso na may 14 puntos at season MVP Soulemane Chabi Yo na may 13 puntos at 10 rebounds.

”When you play UST, your fitness level will be tested,” wika ni Coach Tab Baldwin ng Ateneo matapos ang panalo. ”We look at this game as the first half, the second half will be Game Two.”

Walang ipinakitang kalawang ang Blue Eagles matapos ang huling laro noong Oktubre 30 sa pagtatapos ng elimination round, ang kanilang ika-18 sunod na panalo laban sa UP, 86-64.

Sa unang laro, pasok na ang UST sa kampeonato ng Women’s Division matapos burahin ng Tigresses ang FEU, 76-65. Naghinintay na sa kanila ang walang talong defending champion National University sa seryeng best-of-three na magsisimula sa Miyerkoles kasabay ng Game 2 ng Seniors.

Samantala sa Paco Arena, tinalo ng Ateneo ang De La Salle-Zobel, 81-78, habang wagi ang defending champion Nazareth School of NU sa UST, 89-77, upang sumosyo sa maagang liderato ng Juniors Division sa kartadang 2-0 panalo-talo. Panalo rin ang FEU vs. UE, 74-45, at Adamson sa UP Integrated School, 95-71.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page