7-anyos na lalaki, nalunod sa ilog
- Pabs Hernandez III
- Nov 17, 2019
- 1 min read
CAMARINES SUR — Patay ang 7-taong gulang na batang lalaki nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Cambalidio, Libmanan.
Dahil menor-de-edad at sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang batang nalunod.
Ayon sa ulat, habang kumukuha ng niyog ang biktima ay nahulog ito sa ilog at nalunod.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero biglang tinangay ng malakas na agos ng tubig ang biktima kaya lumubog ito sa ilog.
Makalipas ang ilang oras ay natagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima na nakalutang sa ilog.





Comments