top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

UST, huwag muna magdiwang, Ayo, seryoso vs. Blue Eagles

VA
Nov 16, 2019
2 min read

Pagkaraang ipanalo ang tatlong sunod na do-or-die matches sa katatapos na stepladder semifinals, susuong ngayon ang University of Santo Tomas sa hamon na sagupain ang defending undefeated champion Ateneo de Manila University ngayong hapon sa pagsisimula ng kanilang UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament best-of-3 finals series sa Araneta Coliseum.

Determinadong mapagtagumpayan ang kanilang misyon na maangkin ang titulo ngayong taon si Tigers coach Aldin Ayo kaya ‘di nito nagustuhan ang naging pagdiriwang ng kanyang koponan ng mamayani sila kontra second seed University of the Philippines sa nakaraang semifinals.

“Wala pa kaming naa-achieve.We haven’t achieved anything yet. That’s what I told the players after the game while they were celebrating.” “Nakita ko lang ‘yung celebration.Medyo nag-worry ako ng konti kasi ayaw ko makita ang ganung celebration na mukha silang nakukuntento eh,” ani Ayo.

Dahil sa mga dinanas nilang paghihirap para paghandaan ang laban ngayong season, para kay Ayo ay ‘di sila dapat na makuntento na nakaabot na sila ng Finals.

“Of course, we are grateful that we reached this far, but this is not our main goal. Talking about Finals appearance, well, it’s all about passion, passion sa laro. Walang problema ‘yung magtrabaho na magtrabaho because I love what I’m doing. I always tell my coaching staff, hindi puwedeng puro passion e. Although nandu’n ‘yung passion, sabi ko ‘yung mga bagay na mahihirap, kahit walang balik, you just have to keep on working hard,” dagdag nito. “If you just put on the work, kahit anong mangyari, at least walang regrets.”

Sa panig ng kanilang katunggali, kung determinado ang UST, hindi rin patatalo ang Ateneo sa hangad nilang makopo ang ikatlong sunod na titulo.

Para sa Blue Eagles hindi rin sapat na nawalis nila ang eliminations at nakabalik sila ng finals. “We understand that this is a significant accomplishment for a basketball team - to go through a season undefeated,” ani Ateneo coach Tab Baldwin. “But our job is far from done and, in fact, it’s going to be harder.”

Ginamit ng Blue Eagles ang matagal na break upang lalo pang palakasin ang koponan pagdating ng finals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page