Sweep na 2 gold at silver, susungkitin ng Polo event
- Gerard Arce
- Nov 16, 2019
- 1 min read

Optimistiko si Deputy House Speaker Mikee Romero na makukuha nila ang tig-isang ginto at pilak na medalya sa kanilang kampanya sa Polo event sa 30th SEAG.
Nais mang makuha ng Philippine National Federation of Polo Players (PNFPP) ang dalawang gintong medalyang paglalabanan kontra Brunei, Malaysia at Indonesia, masaya na umano ito sa dalawang medalyang nabanggit.
“Of course, the target is to sweep the golds. But the more realistic goal is a gold and a silver. It’s more achievable,” wika ni Romero, sasabak sa 0-2 mixed goals at 4-6 mixed goals.
Makakasama ni Romero sa pambansang koponan sina Gus Aguirre, Tommy Bitong, Jay de Jesus, Jam Eusebio, Anthony Filamor, Coco Garcia, Santi Juban, Ed Lopez, Marty Romualdez, Tonio Veloso at Noel Vecinal nasa Argentina sa ngayon mula Okt. 27-Nov. 12 upang dumaan sa matinding pagsasanay dito.
Magsisimulang ganapin ang Polo event bago pa man magbukas ang opening rites ng biennial meet, kung saan sasalang ito simula Nob.24-Dis. 10 sa Bamboo Pavilion sa Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, Batangas.
Noong 2017 Kuala Lumpur Games ay ibinulsa ng Malaysian Team ang gold medal, habang napunta ang silver sa Thailand at bronze medal sa Brunei, na inaasahang magpapadala ng “Royal Team” ang pamilyang Bolkiah sa biennial meet.
Huling sumalang ang National Polo team noong 2007 Singapore Games kung saan pinadala nila ang grupo nina Jay De Jesus, Vincent Bitong, Antonio Veloso at Santiago Elizalde. Nagwagi rito ang Malaysia.





Comments