top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sangkot sa pananakit kay Cadet 4th Class Desiderio.. 4 na kadete ng PNPA, kinasuhan na

  • Jeff Tumbado
  • Nov 16, 2019
  • 1 min read

Maliban sa kasong administratibo, nahaharap din sa kasong kriminal ang apat na kadete na sangkot sa pagpapahirap at pambubugbog kay Cadet 4th Class John Desiderio sa loob mismo ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Imus, Cavite.

Batay sa nakuhang impormasyon mula sa Imus Police, nasampahan na sa City Prosecutor’s Office kahapon ng paglabag sa Republic Act 11053 o Anti-Hazing Law ang mga kadete na sina Cadet 3rd Class Jovan Cernat; Cadet 2nd Class Clarence Cabucos; Cadet 3rd Class Arron Dahryl Villanueva at Cadet 3rd Class Paul Birung,

Matatandaang, noong nakaraang buwan nang dinala sa ospital si Desiderio matapos dumaing ng pananakit ng tiyan dahil sa pisikal na pang-aabuso ng kanyang higher classmen.

Gayunman, paliwanag ni PNPA Spokesman Police Lieutenant Colonel Byron Allatog, kaya apat lang ang nasampahan ng kaso ay dahil lumabas na ang isa pang kadete na iniimbestigahan ay walang direct participation sa hazing.

Gayunman, iginiit ni Allatog na kahit wala itong kasong kriminal ay hindi nangangahulugan na lusot na ito sa kasong administratibo.

Sa loob ng 20 araw, inaasahang lalabas ang resolusyon sa kaso at may posibilidad na ang mga kadete na sangkot sa hazing ay masisibak sa akademya, depende sa magiging ‘appreciation’ ng summary hearing officer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page