top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

PHISGOC, umaasa ng overall C’ship sa SEAG

Gerard Arce
Nov 16, 2019
2 min read

Umaasa ng malaki si Philippine SEA Games Organizing Committee chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano na magagampanan ng pambansang koponan ang ninanais nitong overall title sa darating na 30th edisyon ng SEA Games sa bansa simula Nob. 30-Dis. 11.

Ang maging numero unong koponan ang target na mapasakamay ni Cayetano na huling natikman ng Pilipinas noong 2005 Manila meet kung saan kumulekta ito ng kabuuang 290 medals na kinabibilangan ng 112 golds, 85 silvers at 93 bronze medals.

Masigasig ang kampo ni Cayetano na makakamit ng bansa ang ikalawang overall crown na kanyang maluwag na inihayag sa Team Philippines Send-Off ng Bayan event sa Ninoy Aquino Stadium nitong Miyerkules ng gabi.

Nakatakdang magbukas ang 11-nation sportfest sa Philippine Arena sa Bocaue hanggang sa magtapos ito sa New Clark City sa Capas, Tarlac. Lalaruin rin ang 16 events sa Clark, 12 sa Subic sa Zambales, 2 sa Tagaytay at tig-isa sa La Union at Batangas sa 12-araw na kompetisyon na lalahukan ng 11-ASEAN nation.

Ito ang ika-apat na beses na kinuha ng Pilipinas ang hosting sa SEAG na unang ginawa noong 1981 at sinundan noong 1991 kung saan parehong ang Indonesia ang nagwagi ng overall championship, samantalang noong 2005 biennial meet na ginawa sa iba’t ibang panig ng bansa kabilang ang Manila, Cebu, Negros Occidental, Zambales, Cavite, Laguna at Pampanga ay nakuha ang kauna-unahang overall title sa SEAG.

Sa ginanap na coordination meeting sa pagitan ng National Sports Association (NSAs) leaders at Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Chef De Mission William “Butch” Ramirez, inihayag ng mga ito ang inaasahang bilang ng gold medal na aabot sa 220-gold medal haul.

Hindi nagbigay ng kanyang projection ang dating Senador sa bilang ng gold medal na makukuha ng bansa sa biennial meet bagkus ay ibinigay na lamang nito ang karapatan sa Philippine Olympic Committee (POC).

Ayon kay POC president at Integrated Cycling Federation of the Philippines o Phil Cycling. Head Atty. Abraham “Bambol” Tolentino, tinatantya ng kanilang pamunuan na makukuha ng bansa ang 159 gold medals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page