Kinumpirma ng manager… Pagpalit ni Maine kay Marian bilang endorser, fake news
Nitz Miralles / Bida

Hindi naman pala ang brand ng shampoo na ini-endorse ni Marian Rivera ang ie-endorse ni Maine Mendoza. Nabasa naming tuwang-tuwa ang mga fans ni Maine na siya na raw ang bagong endorser ng naturang shampoo at hindi na ini-renew ang kontrata ni Marian.
Tinanong namin si Rams David, ang manager nina Marian at Maine, kung totoo ang tsikang papalitan ni Yaya Dub si Yan Yan na endorser ng naturang shampoo. Idinenay ito ni Rams, pero hindi lang namin alam kung nagbibiro siya sa sinabing forever na ang kontrata ni Marian sa naturang kumpanya.
As for Maine, ibang brand ng shampoo raw ang ie-endorse nito na hindi muna sinabi ni Rams kung ano. Abangan na lang natin.
Samantala, nakikipagsabayan na si Zia sa parents niya sa pagiging endorser dahil labas na rin ang baby cologne niya. Available na sa stores ang cologne in different scents.
Sa renewal ng contract ni Marian sa Reverie by Beautederm Home Line, sinabi nitong lahat ng talent fee ni Zia from her endorsements ay napupunta sa bangko.





Comments