top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Aktres, inggit daw kay Kathryn na may Daniel... Ibinuking ni Direk: Seth, nakuha ni Andrea sa dasal

Vinia Vivar
Nov 16, 2019
2 min read

Wala nang nasabi si Andrea Brillantes nang ibuking siya ng direktor niya sa Wild Little Love na si Benedict Migue.

Kuwento ng direktor sa presscon ng nasabing iWant digital film, ipinagdasal talaga ng young actress na may dumating na Seth Fedelin sa buhay nito.

Si Seth ang kapareha ni Andrea sa Wild Little Love. Ito ang first solo project ng SethDrea love team na as we all know ay unang napanood sa Kadenang Ginto.

Pagbubuking ni direk, inamin sa kanya ni Andrea na kung si Kathryn Bernardo ay may Daniel Padilla, sana raw ay may dumating din na ganu’n sa buhay niya – isang leading man na mabait.

At natupad na nga raw ang pangarap ni Andrea dahil ma­ki­kita sa Wild Little Love kung ga­ano katindi ang chemistry ng SethDrea just like KathNiel.

Sabagay, kahit nga sa pag­sasalita at kilos ay halos nag­kakapareho sina Seth at Daniel na tipong pabrusko. Pati ang age nila ngayon ng pagsisi­mula ng love team, parang edad d­in ng KathNiel noon.

After the Q&A ay naka­tsi­kahan namin ang SethDrea at hindi na nakapag-deny si Andrea tungkol sa sinabi ng kanyang direktor.

“Ibinuking kasi ako ni direk,” nasambit na lang ng young actress.

When asked kung gusto rin ba nilang marating ang narating ng KathNiel, ayon kay Andrea, siyempre na­man ay gusto nila.

“Siyempre po, kasi ma­ta­gal na po akong fan ng Kath­Niel, ipinagdarasal ko rin po na magkaroon ako ng ganu’n (ng Daniel sa buhay ko), so sana po, umabot kami ru’n na ga­nu’n katagal, na ma­rami pong projects, award,” sabi ni Blythe (real name ni Andrea).

Singit naman ni Seth, “8 years? Ganu’n katagal? Tra­baho? O sige.”

Naitanong din kung ma­tutulad ba sila sa KathNiel na naging magkarelasyon in the end. Ani Andrea, sa ngayon ay hindi pa nila ito masasabi.

“Basta, enjoy lang po, ‘yung edad namin ngayon. Kasi, ‘andiyan lang naman ‘yun, eh. Kung para naman po ta­laga kami sa isa’t isa, siguro, kami,” sabi naman ni Seth.

Um-agree si Andrea.

Sa presscon ay nakakakilig ang dalawa dahil nag­pahayag sila ng pangako na hindi iiwan ang isa’t isa at mananatiling naka­suporta parati sa bawat isa. Nagmistula ngang wed­ding vows ang pramis nina Seth at Andrea dahil habang sinasabi nila ito ay seryoso sila’t nakaharap pa sa isa’t isa.

Samantala, kung sina Andrea at Seth ang bida sa Wild Little Love, sina Kyle Echarri at Francine Diaz (KyCine) naman ang tampok sa Red Silly Shoes. As we all know, ang apat ay collectively known as The Gold Squad ng Kadenang Ginto.

Back-to-back na mapa­pa­nood ngayong Nob­yem­bre ang dalawang digital films sa iWant bilang bahagi ng unang ani­ber­saryo ng nasabing streaming appli­cation ng ABS-CBN.

Bukod dito, magka­karoon din ng pagkakataon ang ka­nilang mga fans na magpasya kung alin sa dalawang pelikula ang unang mapapanood sa iWant sa pamamagitan ng pagboto sa isang Facebook poll na tatakbo mula Nob­yembre 13, 8 PM hanggang Nobyembre 22, 10 PM.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page