top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

4 nalunod sa ilog, patay

Paul Lamsen
Nov 16, 2019
1 min read

Isang bata ang patuloy na hinahanap makaraang malunod sa isang ilog sa Bgy. Salinap, San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ng San Carlos City Police Station ang nawawala na si Dionisio Lacaba, 11-anyos. Samantala, apat sa mga kasama ni Lacaba ang kumpirmadong nasawi sa pagkalunod makaraang tangayin ng malakas na alon noong Miyerkules.

Unang natagpuan ang mga labi nina Jaymark Zuñiga, 10; Jaypee John Lacaba, 12, at Sheryl Tismo, 30, na naisugod pa ospital subalit, idineklarang dead-on-arrival.Natagpuan naman ang mga labi ni Reymart Peralta, 11, sa Barangay Salomague sa Bugallon.

Nabatid na special non-working holiday sa Pangasinan noong Miyerkules, November 13 kaya walang pasok ang mga estudyante.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page