3 kulong sa P6.8 milyong shabu

Nasabat ng pulisya ang nasa isang kilo ng high-grade shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Bacolod City.
Kasabay nito ang pagkakadakip sa tatlong suspek kabilang ang target ng operasyon na si Ronaldo Roquero, 38, ng Bgy. 9, Zone 7, Talisay City, Negros Occidental at kasamahang sina Acyn Dwight Cuadra, 40, at Gerline Yabut y Arroyo, 30, kapwa residente ng Bacolod City.
Nasa P6.8 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit at Bacolod Police sa tatlong suspek sa South Capitol Road, Bgy. 9, pasado alas-2:00 kahapon ng madaling-araw.
Nabatid kay Police Lt. Col. Joem Javier, bago ang pagkakasamsam sa isang kilong shabu ay una munang nakumpiska sa operasyon ang nasa 10 sachets.





Comments