top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para pabilisin ang mga Build, Build, Build Projects.. Special powers para kay P-Du30, malabo na — Ka

  • Jeff Tumbado
  • Nov 15, 2019
  • 1 min read

Malabo nang gawing prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para pabilisin ang mga Build, Build Build Projects ng gobyerno.

Ito ay kasunod na rin ng paghahain ni Albay Rep. Joey Salceda ng House Bill 5456 na layong bigyan ng special powers ang Pangulo para alisin ang mga hadlang sa mga BBB Project tulad ng right of way at mabagal na procurement process.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, mismong si Pangulong Duterte na ang umayaw sa balak na pagbibigay sa kanya ng Kongreso ng emergency powers.

Bukod dito, naniniwala ang Ehekutibo na mas kailangan ang special power sa panahon na mayroong emergency para maging epektibo ang implementasyon nito.

Sinabi pa ni Cayetano na balewala na rin ito dahil noong mga unang buwan na hinihiling ang emergency o special powers ay hindi ito ibinigay sa Presidente.

Pinayuhan naman ni Cayetano ang mga kasamahang mambabatas na mag-focus na lamang sila sa pagpapabilis ng mga Build, Build, Build Projects at pag-develop ng mga lugar sa labas ng Metro Manila para maibsan ang problema sa matinding trapik.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page