Ibinuking na driver ang bagong BF ng madir ni Daniel... Melai, sinampal ni Karla
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Finally ay inamin na officially ni Momshie Karla Estrada ang kanilang relasyon ng non-showbiz guy na palagi niyang kasama sa mga lakad, maging sa Japan recently.
Sa taped episode ng morning show nila nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na Magandang Buhay nitong Huwebes ay pinuno ni Karla ng kilig at saya ang studio nang ibalita niyang sila na nga ng rumored BF niya.
Nag-start ang pambubuking ni Melai na driver pala ni Karla ang rumored BF nang sinabi niyang “Speaking of journey ng buhay, talagang ang buhay mo ngayon, ang journey mo sa buhay ngayon, ang paglalakbay mo ay may driver ka na at ang driver mo ay very sweet lover.”
Pabirong nasampal ni Karla si Melai dahil dito at sabay tanong ng mommy ni Daniel padilla ng, “Ano ba? Guest ba ‘ko?” na mabilis sinagot ng misis ni Jason Francisco ng “Hindi naman!”
Gusto lang daw ni Melai na mag-update si Karla. Aniya, “Update lang. Kumusta naman ang paglalakbay n’yo sa Osaka?”
Sagot ni Karla, “Okay naman. Pinakaano… Bukod sa last year na kasama ko ‘yung mga anak ko na nag-snow kami... nag-Japan din… ito ‘yung pinakamasaya na nakasama ko ‘yung… partner naman.”
Kilig na kilig sina Jolina at Melai. Napaupo pa nga si Melai sa sobrang tuwa kaya aktong nag-walkout si Karla. Hinabol siya ni Melai at hindi maitatago ang tuwang naramdaman nila ni Jolina sa pag-amin ng co-host nila.
Sabi ni Jolina, “Ayun na nga, momshies, it’s official, in a relationship ang Queen Mother.”
“Inamin na niya sa telebisyon. I love it,” dugtong naman ni Melai.
Pero sabi ni Karla, “Hindi, hindi. Deserve naman. He is a very good man.”
Well, hindi na rin naman maitatanggi dahil nu’ng Oktubre lang ay kasama rin nila ang kanyang BF sa Coron, Palawan and sa photo nila sa Osaka ay super sweet sila at magkadikit pa nga ang kanilang pisngi habang nakaakbay dito si Karla.
Ano kaya ang sey ni Daniel sa pakikipagrelasyon ng kanyang mommy? Minsan na rin kasing sinabi ni Karla na tutol si Daniel na pumasok ulit siya sa relasyon dahil ang gusto raw ng kanyang panganay ay mag-focus na lang siya sa kanilang magkakapatid.





Comments