top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bong, balik-showbiz.. Unahin mo muna ang Senado — Bato

BRT
Nov 15, 2019
1 min read

Pinaalalahanan ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. na bigyang-prayoridad ang kanyang trabaho sa Senado kaysa pagbabalik sa telebisyon.

“Depende how he manage his time. First and foremost, he is a senator, pangalawa na ang pag-aartista. So, priority niya dapat trabaho niya dito. Alam niya ‘yan,” ani Dela Rosa matapos hingan ng reaksiyon sa pagbabalik-showbiz ni Revilla.

Napabalitang maggi-guest si Revilla sa “The Gift” ng GMA 7 at napaulat na gaganap sa isang drama-fantasy anthology na wala pang titulo.

Payo pa ni Dela Rosa, ibinoto umano si Revilla ng taumbayan kaya hindi niya dapat pabayaan ang kanyang trabaho sa Senado.

“Binoto siya ng taumbayan para maging senador, so priority niya ito. ‘Yung pag-aartista kaya niyang i-manage, alam niya ‘yan,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page