top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Residential bulding nasunog, 3 patay

Jeff Tumbado
Nov 14, 2019
1 min read

Tatlo katao na sinasabing magkakaanak ang nasawi sa sumiklab na sunog sa isang residential building sa Rizal Ave., Bgy. West Bajac-Bajac sa Lungsod ng Olongapo.

Batay sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas-6:00 ng umaga ng Miyerkules nang mag-umpisa ang sunog.

Bigla umanong nagliyab ang auto-supply sa gusali at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.

Sa pahayag ni Mayor Rolen ‘Lenj’ Paulino, Jr., posibleng na-trap ang tatlo sa gusali na dahilan ng kanilang pagkasawi.

Samantala, pasado alas-9:00 ng umaga nang ideklara itong fireout na umabot sa ikalawang alarma.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page