top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P-Digong, hands-off na sa term sharing nina Rep. Velasco at Cong. Alan Peter

Ka Ambo
Nov 14, 2019
2 min read

Bongga ang 42nd birthday celebration (joint celebration) ni Rep. Lord Allan Jay Velasco at misis nitong si Rowena noong Lunes.

Opkors, dumalo si P-Digong sa okasyong ginanap sa San Juan City.

Kumbaga, feeling talaga niya ay malapit siya sa Malacañang!

◘◘◘

PERO, hindi tumalab ang kanyang diskarte kasi imbes na ikumpirma ni P-Digong ang pagsuporta sa kanya bilang susunod na Speaker, ibang klase ng deklarasyon ang ginawa ng pangulo.

Nilinaw niyang ipinauubaya niya ang desisyon sa mga kongresista kung susundin ang napagkasunduang term-sharing sa Kamara!

◘◘◘

TILA lumabo na ang term-sharing na inirekomenda mismo ni P-Digong kung saan mauupo bilang Speaker si Rep. Alan Peter Cayetano sa unang 15 buwan bago papalit si Rep. Velasco sa nalalabing 18 buwan.

Pero, nang magsalita ang pangulo, narito ang aktuwal niyang pahayag, “Kung ‘yan ang usapan, term-sharing, nasa inyo na ‘yan if the parties would honor.”

◘◘◘

ANG payo ni P-Digong sa mga kongresistang dumalo sa okasyon, “I am not forcing anybody to take a stand. It’s your choice because the agreement and the choice is yours. You can make or unmake the Speaker.”

Huh, hindi kaya halos nahulog sa silya si Rep. Velasco?

◘◘◘

GARAPAL ang deklarasyon ni P-Digong na tila direkta niyang sinabi na, “Bahala ka na sa buhay mo!”

Paano na ngayon si Rep. Velasco?

◘◘◘

LUMALABAS na pinapaboran ng pangulo ang performance ni Speaker Cayetano kung saan mabilis na napagtibay ang panukalang 2020 Annual Budget na naiangat na sa Senado.

Kapag epektibo na ang 18th Congress, ang mismong mamamayan ang makikinabang dito, wala nang iba!

◘◘◘

DAPAT sisihin ni Rep. Velasco ang performance at mataas na grado sa panahon ng panunungkulan ni Speaker Cayetano sa unang dalawang buwan.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, ang trust rating niya (Cayetano) na 62% at approval rating na 64% ay masasabing record-high na ratings.

Mas mataas pa ang ratings ni Speaker Cayetano kaysa kay Vice-President Leni Robredo!

◘◘◘

KAHIT si House Majority Leader Martin Romualdez ay bilib sa magandang rating ni Speaker Cayetano.

Hindi nga naman makakakuha ng mataas na rating ang Speaker kung hindi inirerespeto at kinikilala ng publiko ang mga accomplishments ng Kamara!

◘◘◘

KAHIT si Cavite Congressman Piding Barzaga na pangulo ng National Unity Party ay nagsabing baka hindi na kailangan pa ang term-sharing kapag ganito nang ganito ang ipinakikita ni Speaker Cayetano.

Ituluy-tuloy na lang hanggang sa matapos ang Kongreso.

Huh, paano ngayon ‘yan, Rep. Velasco?

◘◘◘

AKALA siguro ni Rep. Velasco, makukuha niya sa pagiging malapit sa pangulo ang hangad niyang maging Speaker.

Nagkamali siya, hindi pala nakukuha sa pa-birthday o pabinyag ang pagiging Speaker.

Marami talagang napapahamak sa “maling akala”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page