top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Netizens, todo-palag… Serye ni Alden, binantaang iboboykot ng fans 'pag ipinasok si Sen. Bong

  • Vinia Vivar
  • Nov 14, 2019
  • 1 min read

Nag-trending last Tuesday sa Twitter Philip­pines ang hashtag na “NoToBongRevilla­On­TheGift” dahil sa balitang mag­ge-guest daw si Sen. Bong Revilla, Jr. sa ser­yeng The Gift ni Alden Richards.

Ayaw ng mga netizens ang nasabing ideya at nagpahayag na hindi nila su­suportahan ang The Gift kung matutuloy nga ang pagpasok ni Sen. Bong dito.

Nag-ugat ang galit ng mga tao sa senador dahil sa plunder case nito na nata­pos na last year at “not guilty” ang hatol ng korte.

Kung kami ang tatanungin, wala kaming makitang masama kung mag-guest man si Sen. Bong sa The Gift dahil for sure ay marami pa rin ang nag-aabang ng kanyang pagbabalik sa pag-arte.

Pero para sa ikatatahimik ng mga nagwawalang netizens, wala pong katotohanan na papasok si Sen. Bong sa The Gift, ayon mismo sa program manager na si Helen Sese.

Ang alam naming magge-guest sa The Gift ay si Manila Mayor Isko Moreno at noon pa talaga ito napa­pabalita. Ayon kay Miss Helen, inaayos pa ang schedule ng alkalde at abangan na lang natin ang confirmation if ever.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page