Nakita ang imahen ni Jesus, babala na may sakit sa puso
- Socrates Magnus
- Nov 14, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Ytel ng Ytel_Lara@facebook. com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko tungkol sa imahen ni Jesus? Nu’ng una, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pero may taong nakahawak sa kamay ko at inilalapit niya sa dibdib ko at tumigil ang kabog, tapos nakita ko ang imahen ni Jesus.
Naghihintay, Ytel
Sa iyo Ytel, Una sa lahat, dapat ay matanggap natin na ang pinakamahalaga ay ang kalusugan na nagsasabing life must be the first priority.
Ang panaginip mo ay maaaring nagbababala na mahina ang iyong kalusugan kaya ang payo ay kumonsulta ka sa doktor mo.
Ang sumunod na payo ay huwag kang agad-agad maniniwala sa mga nababasa mo sa social media na makikitang ang lahat ay manggagamot. Sabi nga ng kumare ko, the world is not safe dahil ang mga tao na masasabing eksperto kung paano gagamutin ang mga karamdaman ay ang lalakas ng loob ibandera ang kanilang mga paniniwala sa mga social media.
Nakakatakot ang ganitong sobrang kalayaan ng mga tao dahil mas marami ang maaaring mamatay kaysa gumaling sa karamdaman, gayundin, puwedeng lumala pa ang kanilang mga sakit dahil sa pagsunod sa mga nababasa sa social media.
Noon, kapag may sakit ang tao, nagpapatingin sa doktor. Napansin mo ba ang salitang “nagpapatingin”?
‘Yun mismo ang ginagawa ng doktor, tinitingnan niya ang may sakit at wala nang sinasabing anuman dahil pagkatapos matingnan ay reresetahan na.
Ngayon, ang mga tao ay natatangay na rin sa takbo ng panahon na kung anu-ano pa ang sinasabi sa may sakit, eh, ang sasabihin lang naman ay mga nababasa sa internet.
Ang dami nilang ipinagbabawal at inuutos. Kumbaga, tinalo pa si God dahil Siya ay sampu lang ang utos, samantalang ang taong naggagaling-galingan ay napakaraming utos.
Sabi nila, little learning is a dangerous thing, kaya ang payo sa iyo, dahil may babala ang panaginip na maaaring may sakit ka sa puso, sa tunay na doktor ka magpatingin.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments