top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Mate-take mo ba ang ganyan? Aktor at misis, wanted dahil sa utang, mga ibinayad na tseke, tumalbog

Janice DS Navida
Nov 14, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

May isang lumapit sa amin para ireklamo ang sikat na aktor at asawa nitong negosyante dahil sa pagtatago ngayon matapos takasan ang kanilang utang at hindi alam ng kanilang katransaksiyon kung may balak pa silang magbayad kaya binabalak nitong idemanda na sila kapag hindi pa rin nakipag-ayos.

Kuwento sa amin ng nagrereklamo sa mag-asawa, ipinakilala sa kanya ang misis ng aktor ng isang kaibigan. Magsasanla raw ito ng alahas at naging maayos naman ang transaksiyon hanggang sa naging magkaibigan na sila.

Nang maging close sila, binentahan na siya ng mga luxury bags at alahas ng misis ng aktor. Pero nang maipit ang misis ng aktor sa mga bayarin, nanghiram sa kanya ng malaking pera at nangakong babayaran agad.

“Lumipas ang araw na ipinangako niya, pero hindi natutupad. May mga issued checks siya pero lagi naman nagba-bounce. Humingi siya ng panahon para bayaran paunti-unti. Pumayag naman ako para makabawas kahit papaano,” sabi ng kausap naming nagrereklamo sa misis ng aktor.

Sa huling usap daw nila, nangako itong magbabayad pero wala namang idineposit na kahit magkano. Nag-message raw siya sa mag-asawa at tinatawagan niya pero cannot be reached na at binlocked na rin siya sa social media.

Kaya ngayon, binabalak na raw niyang kasuhan ang mag-asawa dahil hindi nga naman biro ang malaking halagang inutang sa kanya.

Well, kung gustong makipag-ayos ng aktor at ng misis niya, alam na alam nila kung paano matatawagan ang kanilang inutangan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page