top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kaba ni: Eya

What's In, Ka-Bulgar
Nov 14, 2019
1 min read

Takot ka na hindi ka karapat-dapat sa kanya.

Bawat ngiti mo’y mga luhang pumapatak.

Takot ka na hindi sapat ang pag-ibig mo sa kanya.

Bawat ngiti niya’y hindi naman ikaw ang tatak.

Takot ka, sobrang takot ka na may kulang sa’yo.

Bawat away, bawat panalo ay pagkawala niya.

Takot ka na sobra ka na. Ayaw niyang sabihin sa’yo.

Ayaw niya na mangamba ka dahil kabado rin siya.

Hindi mo alam kung tama pa ba

o baka mas magandang tapusin na ang lahat.

Handa ka na ba? Kaya mo ba?

Iwanan siya para sa tingin mo’y ikabubuti nang lahat?

Nanginginig ka sa sarili mong katha,

mga kathang-isip mong kinakain ka nang buo?

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page