Homecourt advantage, asam nina Rondina at Pons
- Gerard Arce
- Nov 14, 2019
- 1 min read

Isang malaking bentahe para sa Philippine National beach volleyball team na magkaroon ng ‘home court’ advantage tulad ng iba pang mga Filipinong lalaban sa nalalapit na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa bansa.
Nasilayan ng bansa ang huli nitong medalya sa beach volley sapol noong 2005 Manila edition sa katauhan nina Heidi Ilustre at Diane Pascua ng mag-uwi ang mga ito ng tansong medalya.
Sa pagkakataong ito ay susubukan nina UAAP multi-titlist at MVP Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons, kasama sina Marie Angeline ‘Gzi’ Gervacio at Floremel Rodriguez na makakuhang muli ng medalya sa biennial meet habang ang men’s team nina Edmar Bonono at Jude Garcia, at sina Anthony Arbasto at James Buytrago ay susubok na makasama sa podium finish.





Comments