Here I Am, pandehado
- Ding Taboy
- Nov 14, 2019
- 1 min read

Hahataw ngayong gabi ang Additional One Win in Group Races na paglalabanan ng 2 Year Old Maiden Race, Group Race at Condition Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Bibitawan ang Pick 6, Pick 6 at Pick 4 bukod pa sa Trifecta, Quartet at Pentafecta na tatayaan ng Bayang Karerista. Makababawi mula sa pagkakatalo ang mga tagahanga at pumili sa kabayong Here I Am, noong unang laban nito na umalis na kulilat sa kabila ng malaking benta nito.
Sinasabing nanikit sa aparato ang Here I Am, matapos talunin ng kalaban sa naunang pagtakbo nito. Sa pagsisimula ng karera sa Race 1 kasabay ng Pick 6 pinapaboran ang couple entry na Thunder Maxx at Double Rock at pambawi ang Here I Am sa nakakahiyang pagkatalo nito.
Magsisimula ang Pick 5 sa Race 2 at maglalaban sa 2 year old Maiden Race ang Batang Dragon, Fortress at Greatest. Sa Race 3, pinagpipilian ang mga kalahok na Fighter in the Wind at Batang Arrastre isama ang baling rikit sa Trifecta at Apollo of Aquila sa quartet at panimula ng Pick 4.
Nakalalamang ang couple entry na Bossa Nova at Eyeshot, pangunahin naman ang Honeywersmypants, isama sa Trifecta ang Yes Kitty at para sa quartet isama ang Play it Safe sa Race 4.
Sa Race 5 balikatan ang magiging laban ng Hard Work Classic at All for Gee at Awat na Boy, Star of Matamis at Regina’s Choice na isama sa Quartet at Pentafecta.
Nakalalamang ang Makaarem at para sa forecast ang Toscana at isama ang Et Al sa Trifecta at Quartet ang Sharp Mover sa panghuling karera sa Race 6.





Comments