top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Feel na feel mo na ba ang simoy ng hangin? Good effects ng pakikinig ng X’mas songs

  • Justine Daguno
  • Nov 14, 2019
  • 2 min read

Apatnaput isang araw na lang, Pasko na! Malamang, karamihan sa atin ay feel na feel na ang Kapaskuhan. ‘Yung tipong kahit saan tayo tumingin ay marami tayong nakikitang parol, Christmas Tree, Christmas lights at iba pang mga bagay na may kaugnayan sa okasyong ito.

At tayong mga Pinoy, bilang super excited sa Pasko, hindi lang pagdi-design ang trip nating gawin kundi pati ang pakikinig ng Christmas songs na kahit paulit-ulit ay mabenta pa rin sa atin.

Well, alam n’yo ba na oks makinig ng Christmas music? Bukod sa usung-uso ito ngayon ay marami rin itong good effects sa atin. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit dapat tayong makinig ng Christmas songs?

1. NAKAKATANGGAL NG STRESS. May kakaibang ‘happy feeling’ na naidudulot ang pakikinig sa mga musikang pamasko. Ito ay dahil marami sa mga Christmas songs ay jolly o may nakakatuwang areglo. Kapag nakaririnig ng masayang tunog ang isang tao ay naaapektuhan nito ang utak para mag-release ng ‘happy hormones’ na dahilan para magkaroon tayo ng light mood o natural na gumagaan ang ating pakiramdam.

2. NAKAKA-INSPIRE. Sabi nila, ang Pasko ay para sa mga bata, pero alam n’yo bang karamihan sa lyrics ng mga Christmas songs ay isinulat para maka-relate ang mga adult?

Ayon sa research, apat sa siyam na adults ang nakararanas ng ‘Christmas blues’ at isa sa mga ipinayo ng mga eksperto ay ang pakikinig ng mga Christmas songs.

Ito ay dahil karamihan sa mga lyrics nito ay hindi lamang isinulat para makapagpasaya kundi para makapagbigay din ng pag-asa.

3. IBINABALIK NITO ANG ‘GOOD OLD DAYS’. “Sa May Bahay”, “Jingle Bells”, “Boom Tarat-Tarat” at iba pa, ‘yan ang ilan sa mga Christmas songs na mabenta tuwing Pasko. Well, sino ba ang hindi nakaranas mangaroling?

Naalala n’yo ba mga ka-Bulgar, ‘yung mga panahong kasama mo ang mga kapatid, pinsan o kababata mo na magbahay-bahay para manghingi ng aginaldo?

‘Yung kahit paulit-ulit ang kapitbahay n‘yo sa pagsasabing, “Bumalik na lang kayo sa Dec. 24,” eh, wa’ kayo paki dahil bawat gabi ay binabalik-balikan n’yo pa rin ‘yun. Hays, nakaka-miss!

4. MAS FEEL NATIN ANG CHRISTMAS SPIRIT. Siyempre, hindi kumpleto ang Christmas feels kapag walang Christmas songs. Ito ang paboritong patugtugin sa mga malls, palengke, opisina at iba pang lugar dahil sa paniniwalang mas mararamdaman natin ang Pasko kapag ganitong mga tugtugin ang naririnig natin.

5. NAKAKA-MOTIVATE GUMAWA NG MABUTI. Tila ang mga kantang pamasko ang nagsisilbing paalala sa karamihan na bago pa matapos ang taon ay gumawa na tayo ng mabubuting bagay sa kapwa. Dahil panahon din ito ng bigayan ng ‘bonus’, huwag tayong magdamot sa iba. He-he-he! Pero tandaan na hindi palaging tungkol sa materyal na bagay ang source ng paggawa ng mabuti dahil maraming paraan para gawin ito.

Hanggang January ay ganitong mga kanta ang madalas nating maririnig. Hindi man ito ang paborito nating sound trip, walang masama kung pagbibigyan natin ang okasyon. Christmas songs pa more!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page