top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

CTG-PC, champion pa rin sa UAAP Goodwill Games

A. Servinio
Nov 14, 2019
1 min read

Matagumpay na natanggol ng Chooks To Go Collegiate Press Corps ang kanilang korona sa taunang UAAP Goodwill Games matapos nilang lusutan ang Technical Group/Statistics, 112-110, Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum. Binuhat ni guest player Emmanuel Ojuola ang mga mamahayag sa kanyang mga balikat sa pamamagitan ng 27 puntos at 27 rebounds.

Isang reserbang manlalaro ng FEU, kinumpleto ni Ojuola ang three-point play para sa 110-104 na kalamangan at 1:08 sa orasan. Pinasok ni RR Garcia ang tres para lumapit ang Tech/Stats na may 15 segundo nalalabi, 107-110, subalit sinigurado ni Ryan Monteclaro ang tagumpay ng Press Corps sa kanyang dalawang free throw.

Nanguna para sa Press Corps si Allyn Bulanadi na may 33 puntos buhat sa limang tres. Nagtapos na may 26 puntos si Monteclaro. Tinapos ni Garcia, ang UAAP MVP noong 2010 para sa FEU, ang laro na may 43 puntos at 15 assists. Nag-ambag ng 32 puntos si Joel Lee Yu habang may 31 puntos ang isa pang dating UAAP MVP noong 2006 na si Ken Bono ng Adamson University.

Kabilang sa mga manlalaro ng Press Corps ay sina Roy Cayanan, Anton Altamirano, AJ Bolando, Paul Carpio, Christian Angelo Jacinto, Cedelf Tupas, John Bryan Ulanday, Josef Ramos, Philip Matel, Aivan Episcope, Cyreel Zarate, Bong Lozada at Neil Masoy. Nagsilbing mga coach sina Matthew Li, Randolph Leongson at Yoyo Sarmenta. Sa semifinals noong Miyerkoles, nanaig ang Press Corps sa season host Ateneo de Manila University, 102-94. Ang pang-apat na kalahok na koponan ay galing sa ABS-CBN.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page