top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Beach volleyball SEAG team sasabak muna sa LVP tune-up

  • VA
  • Nov 14, 2019
  • 1 min read

Nakatakdang sumabak ang Southeast Asian Games-bound Philippine team sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open na magsisimula sa Biyernes sa Sands SM By The Bay.Inihahatid ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc., sa pakikiisa ng Beach Volleyball Republic, makasagupa ng Team Philippines ang mga Southeast Asian rivals Malaysia at Thailand, gayundin ang mga koponan mula sa Hong Kong, Palau at New Zealand sa 20-team spikefest.

Sinusuportahan ng produkto ang Philippine National Volleyball Team na sasabak sa 30th SEA Games na magbubukas sa katapusan ng buwan.

Inaasahang makakatulong ang tatlong araw na kompetisyon upang masukat ng mga Filipino beach volleyball players kung hanggang saan na ang inabot ng kanilang paghahanda para sa SEA Games.Sa pangunguna nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, target ng Team Philippines na muling magwagi ng medalya sa beach volleyball pagkaraan ng 14 na taon mula nang magwagi ang Fil-Am pair nina Heidi Ilustre at Diane Pascua ng bronze medal noong 2015 SEAG na dito rin idinaos sa bansa.

Kasama nina Rondina at Pons ang tambalan nina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez at ang men’s pairs nina Edmar Bonono at Jude Garcia at sina Krung Arbasto at James Buytrago. Ang beach volleyball competitions ay gaganapin sa Nob. 29 at Dis. 1 hanggang 6 sa Subic Tennis Courts. Walang laro sa Nob.30 dahil sa opening ceremony sa Philippine Arena.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page