Apat na sports, uupak sa TOPS
- MC
- Nov 14, 2019
- 1 min read

Mangunguna ang cycling, duathlon, sailing at underwater hockey sa isa pang makabuluhang talakayan sa 48th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila ngayong Huwebes ng umaga.
Pangungunahan nina Ernesto “Judes” Echauz, group chairman ng Standard Insurance Inc. at presidente ng Philippine Sailing Association at manager din ng women’s national teams sa cycling at duathlon at Dennis Valdes, presidente ng Philippine Underwater Hockey Confederation at SEAG 2019 UWH competition manager, ang usapin sa pang-alas-10:00 ng umagang public service program.
Makakasama ni Echauz sina cyclist Jemyn Prado, Marella Salamat, Ronald Oranza at El Joshua Cariño sa weekly session na inisponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association (CBA). Dadalo rin kasama ni Valdes sina underwater hockey athletes JV Lim, Bem Lim at Christopher Policarpo.
Iniimbitahan ng TOPS ang mga opisyal, miyembro at maging mga kaibigan sa sports community na dumalo sa sesyon na napapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream at Light TV.
Ang TOPS ay kinabibilangan ng sports editors, sportswriters at photographers ng leading tabloids sa bansa.





Comments