UV-ST. John’s at SHS/Ateneo vs. Hercor sa SBP finals

Photo: cdn.inquirer
Maghaharap ang dalawang Cebu teams at tig-isa sa Roxas at Bacolod para sa kampeonato ng Small Basketeers Philippines at Passerelle divisions sa Visayas Regional Finals ng Milo 34th SBP Passerelle Twin Tournament sa Pototan Astrodome sa Pototan, Iloilo. Dinale ng defending champion University of Visayas sa SBP division ang Colegio dela Purisima Concepcion ng Roxas, 42-32 at hindi nakaporma ang Hua Siong College sa Iloilo, 53-22 para sa 2-0.
Umentra na ang St. John’s Institute of Bacolod sa championship game nang pigain ang Purisima, 57-56, at Hua Siong College ng Iloilo, 50-47, upang makatabla sa UV sa liderato ng team standings. Nakaalagwa sa Passerelle division ang Sacred Heart School-Ateneo de Cebu 59-55 laban sa St. Robert’s International Academy ng Iloilo bago pinadapa ang University of St. La Salle ng Bacolod, 66-53.
Ngayon lang nakasampa sa championship round ang Roxas champion HERCOR College nang tambakan ang St. Robert’s International Academy-Iloilo, 68-57 at USLS-B, 62-46. Naroon sa weekend tournament sina Adi Lazaro at Provincial Board member Matt Palabrica na nagbahagi ng inspirational messages sa opening ceremony. Ang mga kampeon mula sa regional finals na suportado rin ng Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ, ang mga magku-qualify sa national finals sa Roxas City sa Nob. 23-24.





Comments